Sagot :
Answer:
12 Paraan para labanan ang “Climate Change
O Global Warming”
(Hango sa website ng Departamento ng Enerhiya)
A. Ano ba ang Climate Change o Global Warming?
Ayon sa mga batikang siyentipiko, ang climate change ay ang malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba’t ibang part eng daigdig. Ang epekto ng climate change ay nadarama natin sa unti-unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag natin na global warming. Ito ay makikita din natin sa pagtunaw ng mga “glaciers,” panunuyo ng lupa, at paglaganap ng tinatawag na “climate sensitive diseases” tulad ng malaria.
Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang paglaganap ng tinatawag na “greenhouse gases” sa ating kalawakan na kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. Ang mga gases na ito ay nagmumula sa paggamit natin ng maruruming uri ng enerhiya at gasoline, at sa uri ng pamumuhay natin na hindi nakatutulong sa pagpigil sa paglaganap ng tinatawag na greenhouse gases.
B. 12 Paraan para makatulong sa paglaban kontra global warming/climate change:
Lahat tayo ay may maitutulong sa pangmalawakang pagkilos laban sa climate change. Ito ay mga bagay na maaari nating gawin sa pamamagitan ng pagbabago sa uri ng ating pamumuhay.
1. Magpalit ng inyong gamit na bumbilya. Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs (CFLs).
2. Buksan ang inyong mga bintana. Hayaan natin na makapasok ang natural na ilaw o liwanag sa ating mga tahanan. Kung hindi rin lang kainitan ay huwag nang buksan ang inyong aircon.
3. Maglaba nang maramihan. Ipunin ang inyong maruruming damit at labhan ito nang sabay-sabay para makatipid sa paggamit ng kuryente. Isampay na lamang ang damit upang matuyo.
4. Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi rin lang ginagamit. Ang mga TV, stereo, at video players na naka-stand-by mode ay kumukunsumo pa rin ng kuryente. Bunutin ito kung hindi naman ginagamit. Bumili lamang ng mga kasangkapan na matipid sa kuryente.
5. Panatilihing maayos ang inyong mga sasakyan. Siguraduhing ang makina ng sasakyan ay nasa ayos at ang mga gulong ay may sapat na hangin. Ang sasakyang wala sa kondisyon ay maaksaya sa gasolina.
6. Magmaneho nang maayos. Huwag magpadalos-dalos sa pagmamaneho. Iwasan ang biglang pag-aarangkada. Singkwenta porsyento ng gasoline ang naaaksaya dito.
7. Maglakad, sumakay ng bisikleta, bus, at LRT o MRT. Hindi lamang ito makakatipid sa gasolina, mababawasan pa ang polusyon na nagdudulot ng climate change.
8. Sumali sa mga Carpool. Makisakay sa mga carpool o mag-alok sa iba na sumabay sa iyo kung ikaw ay gagamit ng kotse.
9. Magbayad ng inyong bills sa pamamagitan ng internet. Gamitin ang online payment facilities para bayaran ang mga bills ninyo. Ito ay makakatipid sa paggamit ng tseke at mga papel na nagpapadadag lamang sa naiipong dumi sa kapaligiran.
10. Huwag palagiang gumamit ng kompyuter. Huwag gumamit ng kompyuter nang patuloy-tuloy. Kung apat na oras lamang sa isang araw natin gagamitin ito ay makakabawas tayo ng carbon dioxide emission ng 83%.
11. Huwag nang gumamit ng mga plastic bags. Gumamit ng bag na pwedeng gamitin nang paulit-ulit para mabawasan ang plastic bag na ating itinatapon. Ito ay nagdudulot ng tinatawag na greenhouse gases.
12. Gumamit ng nirecycle na papel. Sa paggamit nito ay 60% ng kuryente ang matitipid sa paggawa ng recycled paper kumpara sa paggawa ng bagong papel. Ito ay magdudulot ng katipiran na 4,400kwh sa kunsumo sa enerhiya, 30,000 litrong tubig, at 19 na puno sa bawat tonelada ng nirecycle na papel na magagawa.
Ang mga binanggit ay napakalaking tulong upang malabanan natin ang patuloy na rumaragasang global warming sa ating daigdig. Tandaan, lahat tayo ay may magagawa.
Para sa iba pang katanungan at mungkahi ukol sa Climate Change/Global Warming, mag log-on sa