Panuto: Basahin ang talata at kopyahin ang mga pangatnig na ginamit. Isulatang iyong sagot sa sagutang papel. may Madalas na namumutla at hinang-hina si Arlene. Paano kasi pumapasok sa paaralan na walang laman ang sikmura. Pilit na tinataguyod ang sarili dahil sa kahirapan. Sapagkat pandemya, nagsara ang konstruksyon na pinagtatrabahuan ng ama. Ngunit sa kabila ng lahat, patuloy pa rin siya sa kanyang hangaring makapagtapos kahit sa elementarya lang muna. Marunong sa klase si Arlene kung kaya marami ang nagpapaturo na mga kaklase sa kanya. Bilang ganti binibigyan siya ng pagkain at ilang gamit sa eskwela. Kahanga-hanga ang ipinamalas na katangian ni Arlene. Hindi malayo na maabot niya ang kanyang hangad sa buhay.