👤

Ilarawan ang bahay na bato.​

Sagot :

Explanation:

Ang Bahay na Bato o Bahay-na-bato ay isang uri ng bahay na kilala sa Pilipinas. Naitayo ang mga ito sa panahon ng pananakop ng mga kastila, at literal na ibig sabihin ay “bahay na gawa sa bato”.

Ngunit hindi lamang siya simpleng bahay na gawa sa bato. Sa totoo ay isa siyang ebolusyon ng pinagsamang arkitektura ng bahay kubo (nipa hut) at ang kolonyal na arkitektura ng mga Kastila. Itinuturing ito na natatanging arkitektura sa Pilipinas.