Sagot :
Answer:
Please brainliest need ko po kasi
Explanation:
ty Kong ginawa mo po
Answer:
Ang Alamat ng Rosas
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa na kilala dahil
sa natatangi nitong ganda at dahil rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya't
pinagkakaguluhan si Rosa ng mga kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw na si Antonio
na kausap ang kanyang mga magulang at humihingi ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay
masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang
ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang
mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng
dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog
na ang loob sa masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya labis na
nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang
marining niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa
sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni
Rosa habang siya ay bumalik sa kanilang bahay. Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga
magulang pero hindi sumagot ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod
na mga araw.
Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina Rosa at
Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa
mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na
pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinuman ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi
nasasaktan
ITloud Ang