Sagot :
Answer
Abstrak
Sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Dagupan, nakitang may mababang
kakayahan ang mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa. Kaya’t isinagawa ang pananaliksik upang
mapaunlad ang kakayahan sa pagbasang may pag-unawa ng mga mag-aaral sa grade 8 . Layunin nitong
mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa gamit ang estratehiyang samasamang pagkatuto gamit ang isangdaan at apatnapung mag-aaral (140) na taga-tugon sa pag-aaral na
tumagal ng anim na buwan.Idinukomento ang mababang kakayahan ng mga mag-aaral sa paggamit ng
research tools tulad ng mga katanungan, resulta ng National Achievement Test 2013-2015 (NAT) at
pagsusulit. Gumamit ang mananaliksik ng estratehiyang sama-samang pagkatuto bilang solusyon sa
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasang may pag-unawa.Pagkatapos ng
interbensyion ay nakita ng mananaliksik na nagkaroon ng pag-unlad sa kakayahan ng mga mag-aaral
sa pagbasang may pag-unawa. Pinatunayan ito sa pagtaas ng mean score ng mga mag-aaral pagkatapos
ng posttest. Ipinakita rin sa resulta ng t-test na may significant na defirens ang mga pangkat na ginamit
sa pag-aaral. Base sa resulta nagbigay ang mananaliksik ng konklusiyon na nagsasabing nakatulong
ang estratehiyang sama-samang pagkatuto sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagbasang may pag-unawa.
Explanation
pa brainliest po thanks