Sagot :
Answer:
Maraming katangian si Manuel Acuña Roxas na mas kilala bilang Manuel Roxas. Ilan sa mga ito ay pagpapahalaga niya sa ekonomiya ng bansa at ang likas na pagiging maalalahanin at matulungin sa kapwa Pilipino.Hinirang na ika-limang Presidente ng Pilipinas si Manuel Roxas. Siya rin ang pinaka huling presidente na nanungkulan sa Pamahalaan ng Commonwealth at kauna-unahang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Bago naging presidente, siya ay nanungkulan muna sa Senado bago naging Pangulo ng Senado at Pilipinas.Pagkatapos ng Pangalawang Pandigmaang Pandaigdig, marami ang abala sa pagpapalago at pagsasaayos ng bansa. Pinagtuunan niya pansin ang ekonomiya ng bansa. Maari lamang niya mapalago ang ekonomiya ng bansa kung walang taong magugutom, walang magkakasakit, at lalabanan ng bansa ang inflation at unemployement rate na noon ay unti-unti ring lumalago. Bilang pagtugo sa kanyang layunin, humingi siya ng tulong sa UN Relief and Rehabilitation Administration at sa bansang Estados Unidos.
Explanation:
Mark me as brainiest, it would help me a lot
#CarryOnLearning