👤

Bakit may ibat iba tayong relihiyon?

Sagot :

Answer:

Iba't ibang relihiyon sa mundo

May iba't ibang relihiyon sa mundo sapagkat iba't iba ang paniniwala ng tao, iba iba ang kultura na kinaginasnan at iba't iba ang tradisyon na kinamulatan. Nag-iiba ang relihiyon ng mga bansa sa mundo dahil may kanya-kanyang dahilan ang tao base sa kung saan at ano ang kanilang nais paniwalaan. Kaya bilang tao nararapat nating igalang at irespeto ang napiling relihiyon na nais paniwalaan ng ating kapwa.

Relihiyon

Ang pagpili ng relihiyon ay ang malalim na pagpapakahulugan sa buhay at paniniwala ng isang tao na may kinalaman sa Diyos, maaring ito ay may kinalaman sa pinaniniwalaan at sa kanyang malalim na pananaw sa ispiritwal na buhay.

Ang napiling relihiyon ay makatutulong sa pagpapaunlad ng pananampalataya ng isang tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling relihiyon base sa kanyang mga pinaniniwalaan, Ang pagkakaroon ng mahusay na ispiritwal na pamumuhay ay nagdadala sa isang tao upang gumawa ng kabutihan sa kapwa, iniiwas nito ang isang tao sa mga kasalanan at masamang gawain.  

Ang pagkakaroon ng malakas na paniniwala dala ng napiling relihiyon ay gumagabay sa isang tao upang makapamuhay ng masaya at payapa, ng may kinatatakutan na Diyos, dahil kapag ang isang tao ay may takot sa Diyos, takot siya sa anumang kaparusahan na maidudulot ng masasamang gawain at tanging sinasamba niya lang ay kabutihan.

Explanation:

CORRECT ME IF IM WRONG