👤

Pakikipagpalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Ang pakikilahok at pagsali sa mga gawain at proyektong pampamayanan ay pagpapakita ng pakikiisa sa pangkat na kinabibilangan. Ang pakikiisa at mabuting pakikitungo sa kapwa ay dalawang mabubuting ugali na taglay ng maraming Pilipino, Dalawang ugaling ipinagmamalaki nating lahat. Bukod pa rito, maari rin nating masabi na sa pakikilahok at mabuting pakikitungo sa kapwa ay maaring maiuugnay din ang ilan pang mabubuting ugaling Pilipino tulad ng disiplina sa paggawa, kasipagan, mapanuring pag-iisip, pagkakawang-gawa, at iba pa. Source: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon (pahina 124) Panuto: Sagutin ang tanong. Ano ang gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon upang maipakita ang iyong pakikilahok sa gawaing pampamayanan? 1. Katatapos lang ng bagyo at nabalitaan mong maraming bahay sa kabilang bayan ang nasira. 2. Malapit na ang pasukan sa paaralan. Maraming bata sa inyong lugar ang gustong magpalista para sa Kindergarten. Nagkataon namang sa parehong araw din ang palistahan para sa Ikalimang baitang na kagaya mo. 3. Binilinan ka ng nanay mo na ihatid sa paaralan nila ang nakababata mong kapatid. Subalit ayaw naman nitong pumasok sa paaralan at gusto lang panoorin ay ang paborito niyang palabas sa TV. 4. Ayaw kang pahiramin ng kapatid mo ng bago niyang gadget na regalo sa kaniya ng kaniyang Ninong na nagtatrabaho sa ibang bansa. Gusto niya na pahiramin mo siya ng bago mong gitara. 5. Nakita mong nasasayang ang tubig sa inyong gripo. Natatapon lang ito sa kalsada sa harapan ng inyong bahay habang hindi pa dumarating ang mga tauhan na magkukumpuni.​

Pakikipagpalihan Gawain Sa Pagkatuto Bilang 4 Ang Pakikilahok At Pagsali Sa Mga Gawain At Proyektong Pampamayanan Ay Pagpapakita Ng Pakikiisa Sa Pangkat Na Kina class=