👤

bilang magaaral sa ngayong panahon, paano nakakatulong sa iyo para maihasa mo ang iyong sariling kasanayan sa larangan Ng matalinhagang pahayag​

Sagot :

Answer:

Ang mga matalinghagang salita ay ginagamit upang maipahayag ang wasto at tumpak na kaisipan o mensahe sa iba. Ang mga salitang ito ay kadalasang di pamilyar. Ito ay malalalim na salita at minsan ay mayroong pang natatagong kahulugan. Ngunit, ginagamit ito upang mapaisip ang mga mambabasa o tagapakinig.

Gamit ng mga Matalinghagang Salita

Ang matalinghagang salita ay nagpapahiwatig ng mabuting paghahatid ng malinaw na mensahe sa akda o pahayag.

Ang matalinghagang salita ay nagpapayaman sa kalidad ng akdang sinulat o mensaheng ipinahayag.

Ang matalinghagang salita ay nagpapalawak sa talasalitaan ng mga mambabasa o tagapakinig.

Ang matalinghagang salita ay nagbibigay kulay sa akda o pahayag.

Ang matalinghagang salita ay nagpapakita ng personalidad ng manunulat o tagapagpahayag.

Ang matalinghagang salita ay nakahihikayat ng malalim na pag-iisip mula sa mga mambabasa o tagapakinig