👤

Sumulat ng limang pamamaraan kung paano mo mapapahalagahan ang tama ng iyong emosyon?
need ko Po Ngayon please ​


Sagot :

Wastong Pamamahala ng Emosyon

Ang wastong pamamahala ng emosyon y makatutulong upang mapaunlad ang sarili at ang pakikipagkapwa. Sapagkat mas nagiging madali ang pakikihalubilo sa iba at pakikisama sa pamamagitan ng wastong pamamahala ng emosyon. Anumang negatibong komento ang iyong naririnig ay hindi nakakaapekto sa iyong desisyon na manatiling maging mabuti. Sapagkat ang taong may wastong pamamahala sa emosyon ay nasa tamang direksyon ang isip at kilos. Ito rin ay masasalamin sa mga sumusunod na palatandaan. Una, ang pag ako ng responsibilidad ay dapat na pinaninindigan. Ikalawa, ang kagustuhan na makiisa sa iba. Ikatlo, ang pagiging isport sa lahat ng bagay at pagtanggap ng pagkatalo ng buong giting. Ikaapat, ang pagiging mahinahon sa kabila ng mga hindi kanais - nais na mga pangyayari. Ikalima, ang kakayahan na makagawa ng desisyon ng mag - isa at hindi dinidiktahan o tinuturuan ng iba. Kapag ang mga hakbang na ito ay nasunod ng isang tao, nangangahulugan lamang na siya ay may wastong panuntunan upang pamahalaan ang kanyang emosyon. Katunayan, ang mga taong may ganitong kakayahan ay higit na mapalad sapagkat hindi lahat ng tao ay may ganitong kakayahan at karaniwan ay nabibigo na pangasiwaan ang kanilang emosyon kaya naman nakagagawa sila ng hindi mabuting desisyon na nakakaapekto hindi lamang sa kanilang sarili maging sa kanilang kapwa.

pascals lng po di ko po to sailing sagot

Kay - brainlymomshie po ito!