👤

Subukin
Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.
TALAARAWAN NI MARIA
Setyembre 19 - Martes
Madaling-araw noon. Gumising ako nang maaga para maghanda bago umpisahan ang
pagsagot ng aking modyul. Niligpit ko ang aking higaan at pumunta sa kusina upang
tumulong sa aking ina na kasalukuyang naghahanda ng aming agahan.
Mga ilang minuto pa lamang ang aking nagagawa, nang nabigla ako dahil sa aking
nakita. Isang malaking pusa na papunta sa inihandang pagkain. Napasigaw ako nang
malakas sabay takbo nang pusa paalis sa aming hapag kainan.
1. Sino ang nagsulat ng talaarawan?
2.Bakit siya gumising nang maaga?
3.Ano ang una niyang ginawa pagkagising sa umaga?
4.Ano ang kanyang nakita?
5. Ano ang kanyang naramdaman sa pagkakataong iyon?


i need help!!


Sagot :

[tex]\huge\pink{ \text{ Subukin} }[/tex]

1. Sino ang nagsulat ng talaarawan? Si Maria.

2. Bakit siya gumising nang maaga? Para maghanda bago umpisahan ang pagsagot ng kanyang modyul.

3. Ano ang una niyang ginawa pagkagising sa umaga? Niligpit ang kanyang higaan at pumunta sa kusina upang tumulong sa kanyang ina na kasalukuyang naghahanda ng kanilang agahan.

4. Ano ang kanyang nakita? Isang malaking pusa

5. Ano ang kanyang naramdaman sa pagkakataong iyon? Napasigaw siya nang nangmalakas sabay takbo.

Answer:

  1. Si maria ang nagsulat dahil talaarawan niya ito
  2. Para maghanda sa sarili at maumpisahan agad ang kanyang module.
  3. Si Maria ay nagligpit ngkanyang higaan.
  4. Isang malaking pusa na papunta sa inihanda niyang pagkain.
  5. Nagulat