Sagot :
Explanation:
at Pilosopiya sa Asya
2. Katuturan ng Relihiyon • Ano nga ba ang relihiyon? - Paniniwala ng tao na may isang makapangyarihang nilalang o pwersa na siyang pinakamataas at nagpapakilos sa lahat ng bagay sa daigdig.
3. Mga Relihiyon sa Kanlurang Asya • Judaism - Nagmula sa Israel. - Itinatag ng mga Jew o Israelite. - Isang monoteistikong relihiyon. - Si Yahweh ang diyos at may likha ng lahat ng bagay sa daigdig. - Torah ang banal na akalat ng mga Jew. Dito nakasaad ang mga aral at salita ni Yahweh.
4. • Torah – “batas at aral” • Binubuo ng limang aklat ni Moses: - Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy • Patriyarka ang tawag sa kanilang pinuno. • Ilan sa mga patriyarka ng mga Jew ay sina Abraham, Isaac, at Jacob.
5. Sampung Utos na tinanggap ni Moses mula sa Diyos • Ibigin mo ang Diyos higit sa lahat. Wala kang ibang sasambahin kundi ang Diyos. • Huwag sambahin ang anumang imahen o idolong nasa langit o lupa. • Huwag kang manunumpa sa ngalan ng Diyos. • Mangilin ka kung linggo. • Igalang mo ang iyong ama at ina • Huwag kang pumatay ng kapwa tao.
6. • Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. • Huwag kang magnanakaw. • Huwag kang magsabi ng kasinungalingan laban sa iyong kapwa. • Huwag mong pagnasaan ang hindi mo ari at hindi mo asawa o ano pa mang bagay na hindi sayo.
7. Kristiyanismo • Isang monoteistikong relihiyon tulad ng Judaism. • Ang doktrina ay nakabatay sa mga aral at katuruan ni Hesus. • Sinusunod ng mga Kristiyano ang mga aral at salita ni Hesus bilang paghahanda sa pagbabalik ni Hesus upang husgahan ang lahat, buhay mamn o pumanaw na.
8. • Ang mga taong sumunod sa mga utos at isinabuhay ang salita ng Diyos ay magtatamo ng buhay na walang hanggan. • Samatala, ang mga sumalungat ay magdurusa sa kabilang buhay. • Nakapaloob ang mga aral at salita ng Diyos sa banal na aklat ng tinatawag na Bibliya. • Nahahati ito sa dalawang bahagi: - Lumang Tipan – naglalaman ng salaysay mula sa paglikha ng Diyos sa daigdig hanggang sa paghahanda ng mga jew sa pagdating Mesiah.