👤

nahiwagaan salitang ugat​

Sagot :

Answer:

Salitang ugat

Ito ay isang salita na walang dagdag, samakatuwid, ito ay salitang buo ang kaniyang kilos.

Halimbawa: takbo, bango, luto, sayaw, awit

Panlapi

Ang panlapi ay isa o higit pang mga pantig na ikinakabit sa unahan, gitna , at hulihan ng mga salitang-ugat para makabuo ng panibagong salita.

Uri ng panlapi

Unlapi

Gitlapi

Hulapi

Sila ang tatlong uri ng panlapi

Unlapi

Ang unlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang ugat.

halimbawa: Mahusay, Palabiro, Tag-ulan, Makatao, Malaki

Gitlapi

Ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang ugat. Ang karaniwang gitlapi sa Filipino ay -in- at -um-.

Halimbawa: lumakad, pumunta , binasa, sumamba, tinalon, sinagot.

Hulapi

Ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang ugat. Ang karaniwang hulapi ay -an, -han, -in, -hin.

halimbawa: talaan, batuhan, sulatan, aralin, punahin, habulin.

Explanation:

nahiwagaan salitang ugat: Nahihiwagaan

Answer:

Salitang ugat: Hiwaga

Kahulugan: Kababalaghan o himala