👤

Si Vicky ay pinuno ng isang samahan sa kanilang simbahan. Bilang isang pinuno ay nagsagawa siya ng isang recollection o pagninilay para sa kaniyang mga kasama. Ito ay matagal na niyang pinaghandaan at marami siyang tiniis na hirap ng kalooban mula sa kaniyang mga kasama dahil maraming tumututol dito. Bago dumating ang araw ng recollection ay sinabi niya sa kaniyang mga kasama na hindi maaaring hindi sila dumalo sa gawaing ito dahil hindi na sila maaaring magpanibago o magrenew sa kanilang tungkulin. Ito ay napagkasunduan ng lahat. Kinagabihan bago idaos ang recollection ay naisugod ang kaniyang asawa sa ospital dahil sa kaniyang sakit. Walang ibang maaaring magbantay sa kaniyang asawa maliban sa kaniya dahil ang mga anak niya ay nasa ibang bansa. Ngunit may mahalaga siyang tungkulin na dapat gawin sa simbahan. Siya ang pinuno at nasa kaniya ang malaking responsibilidad para sa gawaing iyon. Tanong: Kung ikaw si Vicky ano ang iyong gagawin at bakit?​