Sagot :
Answer:
a. Kabayaran o kita ng mga Empleyado at Manggagawa (KEM) - sahod na
ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal at pamahalaan.
b. Kita ng Entrepreneur at mga Ari-arian (KEA) –Kabayaran na
tinatanggap ng mga tao na hindi matatawag na sahod o sweldo. Ito ay kita
ng isang entreprenyur bilang salik ng produksyon. Dito rin nabibilang ang
mga dibidendo na kabayaran sa ari-arian. Ang kita ng entrepreneur sa
kanyang negosyo ay tinatawag na proprietor’s income.
c. Kita ng Kompanya o Korporasyon (KK) - Ang kita na tinanggap ng
korporasyon at pondo na inilalaan upang palawakin ang negosyo.
d. Kita ng Pamahalaan ( KP )- ito ay lahat ng kita na tinanggap ng
pamahalaan tulad ng buwis, mga kinita ng korporasyon na pag-aari ng
gobyerno at mga interes sa pagpapautang ng pamahalaan.
e. Capital Consumption Allowances ( CCA ) – tinatawag na depresyong
pondo na inilalaan para sa pagbili ng bagong makina o gusali kung ang
mga ito ay unti-unting nasisira at naluluma.
f. Indirect Business Tax ( IBT)- Di tuwirang buwis na ipinapataw sa mga
produkto o serbisyo na nilikha matapos ibawas ang anumang subsidy na
ibinibigay ng pamahalaan
Explanation:
sana makatulong po