👤

Iba’t-ibang hakbang sa pagpaparami ng halaman:
1. Pagtanggal ng balat sa sanga
2. Pagkakaskas ng panlabas na hibla ng sanga
3. Paglalagay ng lupa at lumot
4. Pagbabalot nito ng bunot ng niyog/plastic
5. Pagtatali
Ang pagsasama ng halamang gulay at halamang ornamental sa pagtanim ay isang napaka aya-ayang gawin.
Ito ay nagbibigay ng kulay at ganda sa bakuran at higit sa lahat, nagbibigay din ito ng pagkain (halamang
gulay). May mga halamang gulay na maaaring itanim kasama ang mga halamang ornamental.
Panuto: Basahin at unawain. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagpaparami ng halaman, maliban sa isa.
a. paglalagay ng lumot, pagtatali, pagtatanim sa paso
b. natural, artipisyal, marcotting, grafting, inarching
c. budding, pagputol ng sanga, pagbabalat
2. Bakit mahalagang sundin ang mga hakbang sa pagpaparami ng halaman?
a. upang maging masagana ang ani
b. magiging mayabong ang mga pananim
c. hindi na kailangang sundin ang mga paraan
3.Alin sa mga sumusunod ang hindi napabilang sa dalawang uri ng pagtatanim?
a. artipisyal
b. local
c. natural
4. Ano ang ginagawa sa sanga o katawan ng punong kahoy habang ito ay hindi pa nahihiwalay sa puno?
a. cutting
b. grafting
c. marcotting
5. Ang mga sumusunod ay mga uri ng halamang ornamental na maaring itanim sa lata o paso maliban sa isa.
a. ampalaya
b. bougainvillae
c. rosas