👤

Magsulat ng isang malayang tula na binubuo ng 5 saknong. Sa tula ay kailangang maipakita ang katangian at kahalagahan ng mga Akademikong sulatin

please pakitulungan na po ako, need na bukas​


Sagot :

Answer:

Iniisip ko pa rin baka nagwakas na ang mundo at wala lang nakapansin.

Sa sobrang abala ng tao sa maraming bagay, hindi na nila namalayang tapos na pala ang buhay. Na wala na pala talaga tayo. Nagbalik na tayo sa pagiging piraso alabok o putik na hinulma at binuo para maging tao. Mistula na lamang tayong plano o konsepto.

Baka nagbalik na tayo sa pagiging wala, wala lang tayong ideya. Masyado tayong nabaon sa sakit ng nakaraan, sa pasanin ng kasalukuyan, o takot sa hinaharap. Kaya’t hindi na natin naharap ang katapusan. Akala nati’y nangangarap at umiibig pa tayo, pero ang totoo wala nang totoo.

Lahat ng ito’y kathang-isip na lamang, o baka panaginip, o ilusyon. Lahat ng naipon at naipundar, ‘yung s’werte at kamalasan, ‘yung saya at kalungkutan, tagumpay at kabiguan, lahat ng alaala at karanasan palutang-lutang na lang sa kalawakan.