👤

Tuklasin
Gawain 2: Pagnilayan mo! Panuto: Basahin ang tulang may pamagat na”Pasasalamat” at pagnilayan ang mga gabay na tanong at pagnilayan ang gabay na tanong.

PASASALAMAT
ni: MAY MARIE O. EVIOTA

Isang madamdamin na salita ang alay ko sa’king kapwa, Bukal sa aking kalooban at mula sa pusong kaibuturan

Pasasalamat ko ay ipababatid sa mga kabutihan ninyong hatid, Sa tulong na ibinigay at mga biyaya sa’king buhay

Sa mga kagandahang loob na sa akin ay ipinagkaloob, Ng walang pag aalintana At kaylan ma’y di nagsasawa

At bilang tanaw utang na loob pagtulong sa kapwa ko’y ipagkakaloob kabutihan ninyo ay kikilalanin pasasalamatan hanggang sa panalangin

At sa aking pagninilay Taimtim na panalangin ang iniaalay Nawa’y kayo po’y pagpalain At labis na biyaya’y tatamuhin

Mga gabay na tanong:
1. Ano ang mensahe ng tula?
2. Paano daw isinasabuhay ng may-akda ang pagtanaw ng utang na loob?
3. Sa iyong karanasan, paano mo ipinapakita ang pagtanaw ng utang na loob sa kapwa? Maaaring isa-isahin.
4. Ano ang pakiramdam kapag naipapakita mo ang pagtanaw ng utang na loob sa kapwa? Bakit?
5. Ano pa kaya ang iba’t ibang paraan upang maipakita natin ang pagtanaw ng utang loob at pagiging mapagpasalamat sa kapwa? ​