Magaling! Sa bahagi namang ito, iyong payabungin at pagyamanin pa ang mga kaalamang taglay mo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing inihanda para sa iyo. al Gawain 1: Hambing-Tangi Panuto: Maghanap ng isang kontemporaryong dagli at ihambing ito sa akdang “Dalawang Patong na Hollow Blocks" gamit ang tsart. Gawin ito sa hiwalay na papel. Ihambing ayon sa: Dalawang Patong na Hollow Blocks Kontemporaryong Dagli a. paksa b. layon c. tono d. pananaw e. paraan ng pagkakasulat f. pagbuo ng salita g. pagbuo ng pangungusap