paano muling isasalay say ang kasanayan ng Tacloban city upang higit
![Paano Muling Isasalay Say Ang Kasanayan Ng Tacloban City Upang Higit class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d0e/9610b871a70f4e7a10084e00fddf30a1.jpg)
Answer:
Gabay sa Pagsagot:
Kasaysayan ng Syudad ng Tacloban
Ang Tacloban ay umunlad sa isang baryo ng mga mangingisda sa Basey, Samar. Ang salitang Tacloban ay hango sa salitang ?Taklob? na isang basket para sa panghuhuli ng mga isda. Ang bayang ito ay naging malaking sentro ng kalakalan noong 18th century. Ito rin ay naging kilala dahil sa ginampanang papel noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at dito rin nagtayo ng base-militar ang pwersa ng mga amirikano at ang bayang ito ay ang unang napalaya mula sa mga Japanese Imperial Forces. Ito rin ay naging pansamantalang kapital ng Pilipinas habang ang Maynila ay nasa kontrol pa ng mga Hapon.
Sa syudad na ito ay nanggaling ang dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Marcos, na kung saan ang Romualdez Family ay kontrol pa ang malaking politiko sa mga nasasakop na lugar. Noong unang panahon na kung saan ang Tacloban ay isa pa lamang baryo ng Basey, Samar. Tinatawag ito ?kankabatok??na ang ibig sabihin ay pagmamay-ari ng kabato, dahil ang prominenting naninirahan ay kabatok. Ang pagpapalit ng pangalan ay naging ganito: Ang lugar ng kankabatok ay paborito na palaisadaan ng mangingisda. Gumagamit sila ng �Taklob� para makapanghuli ng mga alimango o hipon. Kapag tinatanong ang mga mangingisda kung saan sila pupunta, ang sinasagot nila ay, �sa tarakluban� na ang ibig sabihin ay, sa lugar na kung saan gumagamit sila ng �Taklob� para makahuli ng alimango o hipon. At lumipas ang panahon ang pangalan ay pinaikli at ginawang Tacloban.
Ayon sa kasaysayan, kasalukuyang sinasakop ng bansang Estados Unidos ang Pilipinas ng naganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdigan. Nilusob ng mga Hapon ang mga bansa at teritoryong nasasakop noon ng mga Amerikano kung kaya't maging ang bansang Pilipinas ay nadamay sa naganap na digmaan.
Kasalukuyang si Heneral Douglas MacArthur ang namumuno sa hukbo ng mga Amerikano na nakabase sa kapuluan ng Visayas, gayundin ang base ng militar sa pulo ng Corregidor. Dahil sa mga naganap na pagsabog, kinailangan ni MacArthur na magtungo sa Australia upang pamunuan ang iba pang mga hukbong kanilang itinayo. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, dumaong ang kanyang hukbo sa lalawigan ng Leyte.
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/620746
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/2298299
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/524552
Explanation: Sana makatulong