GOAL Nakasusulat ng isang anekdota o malikhaing akda hinggil sa personal na karanasan na tumatalakay sa mga partikular na gampanin sa lipunan ng iba’t ibang kasarian at natutukoy ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pamamamahal sa Diyos. ROLE Manunulat AUDIENCE National Committee on Literary Arts ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) SITUATION Sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 683 noong 1991 ay ipinagdiriwang ang National Arts Month tuwing buwan ng Pebrero. Ang tema sa taong ito ay “Sining ng Pag-asa” na may layong makilala ang sining bilang isang pinagkukunan at pagpapahayag ng pag-asa tulad ng ipinapakita sa mga malikhaing paraan na tumutugon sa mga epekto ng pandemiko, likas na kalamidad, at iba pang mga katotohanang panlipunan, gayundin ang papel ng sining sa pagpapabuti ng ating buhay bilang mga Pilipino. Kaugnay nito, ang National Committee on Literary Arts ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ay magsasagawa ng isang komprehensya para sa mga malikhaing akda ng mga mag-aaral na manunulat. Ikaw bilang kinatawan ng iyong paaralan ay inaanyayahan na magsumite ng iyong anekdota o malikhaing akda hinggil sa personal na karanasan na tumatalakay sa mga partikular na gampanin sa lipunan ng iba’t ibang kasarian at pamamamahal sa Diyos bilang alinsunod sa tema ng pagdiriwang. PRODUCT/ PERFORMANCE Sa pagsulat ng anekdota o malikhaing akda, sundin ang mga sumusunod: 1. Pumili ng isa sa tatlong pamamaraan sa pagsulat ng anekdota o malikhaing akda: Pagsulat sa isang malinis na papel. Paggawa gamit ang Microsoft Word. Paggawa gamit ang Blogging Online Application. 2. Sa pagsulat ng anekdota siguraduhin ito ay naglalaman ng mga sumusunod: Nakapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral, pag-asa at inspirasyon. Nailalahad ang partikular na gampanin sa lipunan ng iba’t ibang kasarian Nakapagbigay ng angkop na kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa Diyos. 3. Ang paggawa ng anekdota o malikhaing akda ay kinakailangan gawin sa loob ng tahanan at nakasusunod sa panuntunan ng IATF. STANDARD Gamiting batayan ang rubrik sa paggawa ng anekdota.