👤

Panaginip
ni: G. Santiago D. Domo-os
Gabi na nang matapos kami ni inay sa pagtitinda ng kakanin sa aming lugar. Maraming
basurang nakakalat sa aming bahay. Sa isip-isip ko siguro'y pagod na si inay kaya't ako na lamang
ang maglilinis ng bahay. Inilagay ko nang isa-isa ang mga kalat sa isang malaking plastik na lagayan
at itatapon ko na sana ito sa tamang tapunan ngunit wala akong nakitang tamang mapaglagyan. Sa
sobrang pagod ko, tinaktak ko na lamang ang mga basura sa kanal at hinayaang umagos ito kasama
ng tubig sa kanal.
Nagpahinga ako panandalian nang marinig ko ang malakas na sigawan ng mga tao sa labas
ng aming bahay. Pagsilip ko, nakita ko ang rumaragasang baha na sumakop sa mga kabahayan.
Marami rin akong nakitang kapitbahay na nawalan ng buhay. Takot na takot ako sa panganib na
dulot ng baha. Paano na kaya kami ni inay?
Nagising ako sa isang napakalakas na katok sa pinto. "Bakit ka sumisigaw sa iyong panaginip,
anak?" ang wika ni inay. Niyakap ko ang inay at sabay sabing, "buti na lang at ito'y panaginip
lamang.
Mga Tanong:
1. Anong pagsubok ang kinaharap ng may akda?
2. Kung ikaw ang may akda, tutularan mo ba ang kanyang ginawa? Bakit?
3. Anong maipapayo mo sa katulad niyang nagtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan?


Sagot :

Answer:

1.Anong pagsubok ang kinaharap ng may akda?

answer:ang pagtitinda ng kakanin sa kanilang lugar.

2.Kung ikaw ang may akda,tutularan mo ba ang kanyang ginawa?bakit?

answer:Oo,dahil,ito rin ay pwedeng makakatulong sa iyong magulang/nanay/tatay.

3. Anong maipapayo mo sa katulad niyang nagtatapon ng basura sa hindi tamang tapunan?

answer:ang maipapayo ko sa kanya ay wag siyang magtapon sa kanal kasi pwede itong magbara at bumaha lalo na't ang kanal ay madumi.

Explanation:

Sana Makatulong :D

tinigna ko yung sagot doon sa nilagay mong kwento

||carry on learning|| good luck!