GAWAIN C: SANHI O BUNGA? Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ang mga ito ay dahilan ng implasyon (DI) o bunga ng implasyon (BI). Isulat ang DI o BI sa kwaderno. 1. Ang bahagi ng kinikitang buwis ng pamahalaan ay napupunta sa pambayad utang. 2. Pagpataw ng mataas na interes sa mga pautang. 3. Malaking bahagdan ng mga Pilipino ang walang kakayahang makabili ng mga produktong kailangan nila sa araw-araw. 4. Paglaki ng bilang ng mga mag-aaral na hindi na kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang. 5. Nagkaubusan ng ilang produkto sa pamilihan dahil mas pinipili ng mga negosyante na iluwas (export) ang mga ito. 6. Umaasa sa importasyon ang mga nagmamanupaktura ng mga produkto para sa hilaw na sangkap. 7. Tumataas na palitan ng piso at dolyar. 8. Kulang ang mga pumapasok na dolyar sa bansa kaya bumaba ang halaga ng piso at tumataas din ang presyo ng mga produkto. 9. Tumaas ang presyo ng mga sangkap na ginagamit sa pagbuo ng produkto kaya tumaas din ang presyo nito. 10. Pagdami ng bilang ng mga monopolista ng mga produkto ng kartel sa bansa.