Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na pahayag. 1. Ang Philippine Rehabilitation Act ay nagsasad ng pagbibigay ng pamahalaang Amerikano ng halagang $620milyon na tulong pinansyal sa Pilipinas. 2. Ang Bell Trade Act ay nagsasaad ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. 3. Ang Parity Rights o ang kasunduan na nagpapahayag ng pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na magnegosyo sa Pilipinas at linangin ang mga likas na yaman nito. 4. Ang kasunduang Base Militar ay nagpapahintulot na manatili sa Pilipinas ang 23 base militar ng Amerika. . 5. Tinanggap ni Pangulong Manuel A. Roxas ang tulong na inialok ng Amerika dahil sa mga suliraning kinakaharap nito sa kabila nang pagtutol nang maraming Pilipino. 6. Ang "colonial mentality" ay ang pagkahilig at pangtakilik ng mga Pilipino sa mga produktong gawa sa ibang bansa o "stateside”. 7. Ang neocolonialism ay isang paraan ng panghihimasok ng malalakas at makapangyarihang mga bansa sa mga bagong tatag na estado. 8. Inulan ng batikos ng maraming Pilipino ang administrasyong Roxas dahil sa pakikipagkasundo nito sa Estados Unidos at pagpirma nito sa mga ilang hindi pantay na kasunduan na labag sa saligang batas. 9. Nagbunga ng ibang pang suliranin sa bansa ang pamamalagi ng mga Amerikano tulad ng muling pagiging aktibo ng samahang Hukbalahap 10. May maganda at di magandang epekto naman ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Amerika. Malaki ang naging impluwensya nito sa pamumuhay at kultura nating mga Pilipino.