👤

MGA KALAGAYAN AT SULIRANING PANGKAPALIGIRAN SA AMING KOMUNIDAD I-learning Competency: Nailalarawan ang kalagayan at suliraning pangkapaligiran ng komunidad. Il-Basahin ang teksto sa ibaba at isagawa ang mga kasunod na gawain: May mga kalagayan at suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa Lungsod ng Lucena. Nararapat natin itong alamin upang maging handa at makaiwas sa mga pinsalang dulot ng mga ito. Ilan dito ay resulta ng hindi tamang gawain o aktibidad ng mga tao. Dahil sa ang ating komunidad ay nasa lungsod, malaki at mabilis na dumarami ang ating populasyon na nagiging sanhi ng maraming nalilikhang basura mula sa mga kabahayan, pabrika at ibang establishments. Dahil dito, nagiging problema sa pagkolekta, pagtatapon at pagpoproseso ng mga basura. Suliranin din natin ang polusyon sa hangin sapagkat marami ang mga pabrika, naninigarilyo, nagsusunog ng basura at mga sasakyang nagbubuga ng usok. Ang polusyon sa lupa ay nararanasan din mga pamayanang pinagtatapunan ng mga basura (dump sites), lalo na kung galing sa mga hospital at pabrika. Polusyon sa tubig naman ang nararanasan sa mga lugar malapit sa kambal na ilog (lyam at Dumacaa) na pinagtatapunan ng mga dumi at kalat. Ang mga basurang ito ay nagdudulot din ng pagbara sa mga daluyan ng tubig na nagiging sanhi ng pagbaha sa tabing ilog at mabababang lugar sa Lucena sa panahon ng malalakas na ulan at bagyo. Problema din ng lungsod ang trapiko na nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga Lucenahin. Sa ngayon ay nasa panganib ang kaligtasan, kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan dahil sa kinakaharap na matinding banta ng pandemyang kaugnay ng COVID-19. Mapalad tayo sapagkat ang ating pamahalaang lungsod sa pamumuno ng ating punong lungsod Mayor Roderick Alcala ay gumagawa ng mga ordinansa at iba't ibang inisyatibo upang masolusyonan ang mga kinakaharap nating kalagayan at suliraning pangkapaligiran. III- Mag-interbyu sa nakatatandang kasama sa bahay. Sumulat ng 3 kalagayan at suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa ating lungsod. Gumawa ng maikling paglalarawan o deskripsyon ng nararanasang problema sa bawat isa. (maaring isama ang tungkol sa nabasa sa itaas) Paglalarawan o Deskripsyon sa Nararanasang problema Kalagayan/Suliraning Pangkapaligiran sa Lucena 1. 2. 3.​