II. Panuto: Tukuyin ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung tama ang tinutukoy na pahayag, at MALI naman kung hindi tama ang isinasaad na pahayag.
11. Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang bawat pangangailangan ng kanilang asawa at mga anak noong panahon ng Espanyol.
12. Noong panahon ng Pre- Kolonyal, nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
13. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
14. Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay sa kasalukuyang panahon.
15. Ang Babaylan ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon.
16. Ayon sa Boxer Codex ang mga babae ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang lalaki sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang babae.
17. Sa Pre- kolonyal, kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang ari-arian.
18. Ang mga tao sa pangkat ng Arapesh ay maraming mga pangalan.
19. Sa Tchambuli, ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan.
20. Sa pangkat ng Mundugumor, ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, at bayolente.