👤

Anong uri ng estudyante si Basilio sa El Filibusterismo? Ipaliwanag.

Nonsense = reported


Sagot :

Answer:

mabait, matalino, mapagmahal, tapat na mangingibig, at mapagkakatiwalaan

Explanation:

Si Basilio ay mabait sapagkat wala siyang bisyo,puro pag-aaral ang kanyang inaatupag,at marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa taong nag ampon sa kanya at nag paaral, matiyaga niyang inaalagaan si kapitan Tiyago, walang narinig sa kanya ng kahit isang pamana na mula kay Kapitan Tiyago ay wala sa kanyang ibigay si Padre Irene.

Matalino si Basilio, dahil napagsasabay niya ang pag-aaral at ang paglilingkod kay Kapitan Tiyago, marami ring siyang nakuhang parangal mula sa eskwelahan na kanyang pinapasukan at talaga namang lubos siyang hinangaan ng mga kaeskwela niya na dati rati ay pinagtatawanan lamang siya dahil sa katayuan niya sa buhay na isang alila lamang at walang maayos na mga kasuotan, matalino si Basilio dahil natapos niya ang kursong Medisina

Mapag mahal si Basilio Tinubos niya si Juli sa pagpapakaalila nito dahil ayaw niyang nahihirapan ang dalaga, mahal niya si Kapitan Tiyago kahit sobra siyang nahihirapan sa pag-aalaga dito ay tiniis niya,sapagkat mahal niya ang matanda, sobrang mahal niya rin ang kanyang ina sapagkat di siya nakakalimot na dumalaw sa puntod nito sa kagubatan.

Tapat na mangingibig si Basilio dahil kahit kalian ay hindi siya tumingin sa ibang babae tanging si Juli lamang ang babaeng minahal niya at nais niyang makasama habang buhay.

Mapagkakatiwalaan si Basilio sapagkat kahit kelan ay hindi niya ipinaalam kahit kanino ang tunay na katauhan ni Simoun, at ipinaglihim din niya ang plano nitong pag-aalsa.