👤

Pagsasanay 1: Ekspresiyon, Ipahayag Mo! Panuto: Salungguhitan ang mga pahayag na nagpapakita ng ekspresiyon sa pangungusap at saka tukuyin kung ang ekspresiyong ginamit ay (Pag-aanyaya o Pag-iimbita, Pagbibigay-babala, Panunumpa o Pangangako, Pagpapayo o Pagmumungkahi, Pagsang-ayon o Pagsalungat.) Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Kung ako ay ikaw kaibigan, papanigan ko si Bonifacio sapagkat lumaban siya at nagbuwis ng buhay.

2. Subalit kaibigan, tila ika'y nagkakamali.

3. Hindi tamang sabihin na tapang lamang ang puhunan sa pagiging bayani.

4. Maghinay-hinay ka, ika'y mapapahamak sa matalim mong pananalita.

5. Inaanyayahan kitang mataman akong pakinggan.

6. Mas karapat-dapat tanghaling bayani si Bonifacio dahil sa maalab siyang napanday ng karalitaan.

7. Huwag kang masyadong magtiwala, baka ika'y mahulog sa balong malalim.

8. Ito ang itaga mo sa bato, kalianman hindi siya mapapalitan bilang dakilang bayani.

9. Pag-isipan mong mabuti, huwag kang padalos-dalos.

10. Pangako, di na ako gagawa ng ikapapahamak ko.

paki sagot nmn po kailangan ko lng po ngayon plsssss:<​