1. Ang set ng mga nakikitang simbolong tinutukoy ni Florian Coulmas na ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan ay ang __________.
2. Ang pagsulat ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay ng pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan. Ito ay ayon sa dalubhasang si __________.
3. Ang pag-uusisa ang pangunahing simula ng isang masinop na __________.
4. Ang Candy, FHM, at Cosmopolitan ay mga halimbawa ng ayos ng pagsulat na __________.
5. Sa ilang dalubhasa sa pagsulat, ang yugto ng pala-palagay ay kahalintulad ng __________.
6. Ayon sa pagsusuri ng kanyang kamag-aral sa naisulat niyang komposisyon, may mga salitang mali ang baybay, paulit-ulit na paggamit ng salita, at may mga kaisipang hindi naman kaugnay sa paksa. Ang sitwasyong ito ay nagaganap sa proseso ng pagsulat na __________.
7. Bago magsimula sa pagsulat, kailangan munang buuin ng manunulat ang __________ para sa unang burador.
8. Maari ring isaalang-alang kung sino ang magiging awdyens at anong genre ang isusulat sa proseso ng __________.
9. Ang kadalasang ginagamit na panauhan sa paglikha ng pormal na uri ng pagsulat ay __________.
10. Ang pagsulat ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng masusing paggamit at pagsasaayos ng mga karanasan ayon kay __________.