Sagot :
Answer:
ilaw ng tahanan. dahil sila ang nagbibigay buhay sa loob ng tahanan at sila ang nagsisilbing tanglaw nito. mapapansin mo kung ang isang tahanan ay walang ina mapapansin mo dito ang kahuguluhan ng paligid at mararamdaman mo ang kadiliman ng bahay. kasi kung walang ina hindi magiging masaya at makulay ang iyong buhay
Explanation:
#drinkvitamilk
Answer:
Mga bagay na sumisibolo sa ina
- ilaw - simbolo ng kanilang patuloy na pagtanglaw at pagbibigay liwanag sa mga madidiim nating karanasan sa buhay
- puno - sumisimbolo sa kanilang katatagan sa mga hamon at pagsubok na hinaharap sa buhay
- puting rosas - sumisimbolo sa kalinisan ng kanilang kalooban at dalisay na pagmamahal para sa mga anak at pamilya
- aklat - sumisimbolo sa lahat ng mga turo at aral na ibinibigay at itinuturo nila sa atin upang maging isang mabuting tao
- tahanan - sumisimbolo sa kanilang pagbibigay proteksyon at seguridad sa atin araw-araw
Kahalagahan ng mga ina
Ang mga ina/nanay/inay ang nagsisilbing "ilaw ng tahanan" na magiging tagapag-alaga at taga-aruga sa mga anak, siya ang responsable sa mga gawaing bahay. Napakalaking bahagi ang ginagampanan ng ating mga ina sa ating buhay. Sila ang nagdala sa atin ng siyam na buwan sa kanilang sinapupunan at nagluwal sa atin upang maging isang ganap na tao. Siya din ang dahilan kung bakit mo nasilayan ang kagandahan ng mundo. Utang na loob natin sa ating mga ina ang ating buhay dahil sila ang kumalinga, nag-arunga at nag-alaga sa atin habang tayo ay lumalaki at handang ibigay at tugunan ang lahat ng ating mga pangangailangan hanggang sa makakaya nila.
Ang ating mga nanay ang kauna-unahag umiintindi, nagpapaalala at nagtuturo sa atin ng mga kabutihang asal. Sila ang nagbibigay proteksyon sa atin sa masama at gagawin nila mapalaki lang nila tayo ng maayos at maitaguyod ang ating buhay upang magkaroon tayo ng maayos at magandang kinabukasan. Ang pagmamahal niya sa kanyng anak ay hindi matatawaran at hindi matutumbasan.
Napakalaki ng ambag ng ating mga ina sa ating buhay dahil isa sila sa mga taong maasahan natin sa mga orass ng pangangailangan. Ginagabayan at inaalalayan nila tayo hanggang sa ating paglaki at handang magbigay tulong kapag nakakaranas tayo ng mga problema at pagsubok sa ating buhay. Kaya ang ating mga ina ay yaman ng ating buhay, hindi natin mararating kung nasaan tayo ngayon kung hindi dahil sa kanila.
For more information:
https://brainly.ph/question/499627