👤

Saloobin tungkol sa pangyayari sa rebilusyong pranse?


Sagot :

Answer:

Ang Rebolusyong Pranses ay marahil isa sa pinakamahalagang kaganapan sa kasaysayan ng mundo. Dahil sa Rebolusyong Pranses, ang ideolohiya ng demokrasya at pantay-pantay na karapatan ay lumaganap sa buong Europa. Malaki ang naging impluwensya ng Rebolusyong Amerikano sa Rebolusyong Pranses dahil sa pagkapanalo ng United States laban sa Imperiyo Britanya. Nagbigay ito ng alab sa puso ng mga mamamayang hindi maharalika na ipaglaban ang kanilang karapatan, at pigilan ang pangaabuso ng mga sa kapangyarihan.

Ang repormang hinahanap ng mga Pranses ay hindi kaagad nila nakamit dahil sa sunod-sunod na pagtutol ng bawat partidong politikal. Dahil dito, ang Rebolusyong Pranses ay naging madugo dahil maraming mga Maharlika at kalabang politikal ang pinugutan ng ulo gamit ang Guillotine. Ito ay tinawag na Reign of Terror at tumagal ng mahigit na sampung buwan.

#CARRYONLEARNING

View image KateLangPar
View image KateLangPar