Sagot :
sa panahon ngayon marami ang nahihirapan dahil sa new normal lalo na sa mga estudyanteng nag aaral sa online class. Maraming umaasa sa pagbabalik ng face to face class.
ang face to face class ay mas may matutunan tayo kumpara sa online class dahil ang face to face class mas nakakaintindi tayo ng mabuti sa mga lessons na tinuturo ng mga guro natin. At kapag tayo hindi kaagad makakaintindi ay makapagtanong tayo kaagad sa guro natin. Sa face to face class ay makakapag-focus ka nang mas mabuti sa iyong pag-aaral at marami kang matutunan kumpara online class. Maaari kang makaramdam ng mas komportable at mas madaling matuto sa pamilyar, tradisyunal na sitwasyon sa silid aralan.
kaya para sa akin mas madali tayong matuto sa face to face class dahil ang face to face class ay isang mabisang paraan upang malaman ang kaalaman at kasanayan katulad ng pagsulat, pagbabasa, talakayan, pagtatanghal, proyekto, pangkatang gawain, mga film clip, pagpapakita at pagsasanay.