Maghanap ng limang kuwento sa Banal na Kasulatan na ipinakita ng Diyos ang pagmamahal sa tao.
![Maghanap Ng Limang Kuwento Sa Banal Na Kasulatan Na Ipinakita Ng Diyos Ang Pagmamahal Sa Tao class=](https://ph-static.z-dn.net/files/d80/6e989bebd36d3008e0b583b69b1732de.jpg)
Answer:
“Nawa bawat isa sa atin … ay mas mapalapit sa ating Ama sa Langit at sa kanyang Pinakamamahal na Anak sa pamamagitan ng regular na pag-aaral ng mga banal na kasulatan.”
Mula sa Buhay ni Howard W. Hunter
Malaki ang pagmamahal ni Pangulong Howard W. Hunter para sa mga banal na kasulatan at masigasig niya itong pinag-aralan. Ang pagmamahal at pag-aaral na ito ay nabanaag sa kanyang mga turo, na puno ng mga kuwento at iba pang mga talata mula sa mga pamantayang aklat. Madalas sa pagtuturo ng isang alituntunin ng ebanghelyo, lalo na sa pangkalahatang kumperensya, pumipili siya ng isang kuwento man lang mula sa mga banal na kasulatan, isinasalaysay ito nang detalyado, at ipinaliliwanag kung paano ito ipamumuhay.
Halimbawa, nang ituro niya ang pagiging tapat sa Diyos, isinalaysay niya ang mga kuwento tungkol kay Josue; kina Sadrach, Mesach, at Abed-nego; at iba pa sa Lumang Tipan na nagpakita ng gayong katapatan (tingnan sa kabanata 19). Sa pagtuturo tungkol sa paglilingkod, gumamit siya ng mga halimbawa mula sa Aklat ni Mormon para ipakita na “hindi nakabababa ng kapakinabangan” ang ilang taong kakaunti ang natanggap na papuri kaysa sa iba na ang paglilingkod ay mas nakikita (tingnan sa kabanata 23). Sa pagtuturo kung paano magkaroon ng kapayapaan ng kalooban sa mga oras ng kaguluhan, muli siyang gumamit ng mahahabang talata mula sa mga banal na kasulatan, pati na ang kuwento tungkol sa paglakad ni Pedro sa tubig (tingnan sa kabanata 2). Sa pagtuturo tungkol sa sakramento, ipinaliwanag niya ang sitwasyon sa pamamagitan ng pagrerepaso ng kuwento tungkol sa mga anak ni Israel at ng Paskua (tingnan sa kabanata 15).
Batid ni Pangulong Hunter ang kahalagahan ng mga banal na kasulatan sa pagtulong sa isang tao na magkaroon ng patotoo kay Jesucristo. Dahil diyan, madalas siyang magturo mula sa mga kuwento sa banal na kasulatan tungkol sa ministeryo, pagpapako sa krus, at pagkabuhay na mag-uli ng Tagapagligtas. Sinabi niya:
“Nagpapasalamat ako sa mga aklat ng banal na kasulatan na nagtuturo ng higit na kaalaman tungkol kay Jesucristo sa pamamagitan ng masigasig na pag-aaral. Nagpapasalamat ako na bukod pa sa Luma at Bagong Tipan, nagdagdag ang Panginoon, sa pamamagitan ng mga propeta ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, ng iba pang inihayag na banal na kasulatan bilang karagdagang mga saksi kay Cristo—ang Aklat ni Mormon, ang Doktrina at mga Tipan, at ang Mahalagang Perlas—na alam ko na pawang mga salita ng Diyos. Pinatototohanan ng mga ito na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng buhay na Diyos.”