👤

1. Ito ay uri ng balita na nagbibigay ng paunang impormasyon sa mangyayari sa isang event tulad ng inaasahang mangyayari sa palaro.
a. Paunang Balita
b. Balitang Di-inaasahan
c. Balitang Itinalaga
d. Balitang Panubaybay
2. Anong uri ng balita ang naglalaman ng mga biglaang pangyayari tulad ng aksidenteng nangyayari sa lansangan.
a. Balitang Panubaybay
b. Paunang Balita
c. Balitang Di-inaasahan
d. Balitang Itinalaga
3. Mahalaga ang pamatnubay sa pagsulat ng balita dahil
a. matatagpuan sa pamatnubay ang pinakabuod ng mga pangyayari sa balita.
b. makikita sa pamatnubay ang kawili-wiling pangyayari sa pagsulat ng balita.
c. ang pamatnubay ang pinakamahalagang pangyayari sa pagsulat ng balita.
d. inilalagay sa pamatnubay ang pinakamahalagang pangyayari sa pagsulat ng balita.
4. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting balita maliban sa isa.
a. timbang
b. walang kinikilingan
c. kaiklian, kalinawan
d. mahaba
5. Buuin ang pahayag. Sa pagsulat ng balita, kailangang inuuna ang mahalagang pangyayari at ito ang ginagawang
a. Pamatnubay
b. kumbensyonal
c. Balita
d. Pahayagan
6. Ikaw ay gagawa ng isang balita na naglalaman ng ulat sa kasunod na pangyayari na nauna nang naiulat. Anong uri ng balita ang iyong gagamitin?
a. Balitang Di-inaasahan
c. Balitang Panubaybay
b. Balitang Itinalaga
d. Balitang Rutinaryo
7. Anong salitang jargon ang ginamit sa ulo na ito ng balita?
a. Nagwagi ang Ginebra kontra San Miguel
b. Tinalo ng Ginebra ang San Miguel
c. Pinadapa ng Ginebra ang San Miguel d. Natalo ng Ginebra ang San Miguel. 8. Ang Balitang Rutinaryo ay mga pangyayaring palaging nagaganap at regular itong nangyayari Tungkol saan ang madalas na ulat nito?
a. SONA
b. Aksidente
c. Basketbol
d. Paggunita sa kaarawan ni Rizal
9. Upang makatipid ng oras, papel, at higit na makapagligtas ng buhay, ipinatupad ng Food and Drugs Authority (FDA) ang “Electronic Logbook" na isang mobile application para sa modernisasyon ng "pharmacy sector" sa bansa. Ano ang ilulunsad ng FDA sa bansa na sinasabing makapagliligtas ng maraming buhay?
a. Pharmacy Sector
b. Electronic Logbook
c. Paper bureaucracy
d. Prescription​