👤

2. Ano ang pinakamabuting resulta ng paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga magandang asal at gawi? *
A. Nalalaman ang tama at mali.
B. Nagagamit ang taglay na kalayaan.
C. Nauunawaan ang pagiging mapanagutan.
D. Nalilinang ang mga birtud bilang mabuting tinedyer.

3. Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata, paano mo higit na mahuhubog ang iyong moral na birtud? *
A. Makisama ayon sa ipinapakita ng kapuwa sa iyo.
B. Kumilos nang naayon sa inaasahan sa iyo ng lipunan.
C. Palagiang pagsusuri sa mga payo ng mga nakatatanda.
D. Isabuhay ang pagpapahalagang mula sa pamilya, paaralan at karanasan.

4. Nakasanayan ni Gio na isabuhay ang kasipagan, pagtitiyaga at disiplina sa sarili. Ano ang pinakamainam na dulot nito sa kaniya? *
A. Magiging huwaran siyang anak.
B. Ipagmamalaki siya ng kaniyang pamilya.
C. Magiging matagumpay siya sa anomang gawain.
D. Magkakaroon siya ng maraming tagahanga at kaibigan

5. Ang sumusunod ay mga antas ng pagpapahalaga ayon kay Max Scheler MALIBAN sa:
A. Banal (Holy)
B. Intelektwal (Intellectual)
C. Pambuhay (Vital)
D. Pandamdam (Sensory)