Ang pangyayari sa EDSA ay nagbukas sa ating mga isipan na sa pagkakaisa ay di naglalayong makamit ang ating mithiin o layunin sa buhay. Kung maisaalang-alang ang kapakanan ng bayan sa bawat desisyong ginagawa natin marahil hindi maghihinanakit ang Inang Bayan. Ngunit hindi pa huli ang lahat, may pag-asa pa, kaya gumising ka at ibangon ang nalulugmok na bayan. Bilang isang kabataan, paano mo maisasaalang-alang ang kapakanan ng Inang Bayan sa mga bagay na iyong ginagawa?