Sagot :
Answer:
Ang kultura ng Asya ay ang kabihasnan ng tao sa Asya. Tinatampok nito ang iba't ibang mga uri ng pamanang pangkultura ng maraming mga kabansaan, mga lipunan, at mga pangkat etniko ng rehiyon. Ang sining, musika, at lutuin, pati na panitikan, ay mahahalagang mga bahagi ng kulturang Asyano. Gumaganap din ng isang pangunahing gampanin ang pilosopiya at relihiyon.