👤

Gawain 3 Panuto: Bilugan ang Pang-angkop o Pangatnig sa bawat pangungusap. 11. Kaya siya umiyak, iniwan mo siya. 12. Maganda at masipag dalaga ang nakita ko sa silong. 13. Magsikap sa pag-aaral kung nais magtagumpay. 14. Kahit makapal na aklat ay tinatapos niyang basahin. 15. Habang umuunlad ang siyensya, lalong maraming karamdaman ang natutuklasan.​

Sagot :

Answer:

Pang-angkop

14. na; niya(ng)

15. lalo(ng); marami(ng)

Pangatnig

11. Kaya

12. at

13. kung

14. kahit

15. habang

Explanation:

Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita, na nag-uugnay sa panuring (modifier, katulad ng pang-uri at ng pang-abay) at salitang tinuturingan.

Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan. Halimbawa nito sa pangungusap ay; "Nasira ang tulay na kawayan.", "May maraming dahong luntian dito.", "Malayang nakakalipad ang Ibon."

Mga Uri ng Pang-angkop

  1. na - Ito ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita at ng panuring. Halimbawa: mapagmahal na tao
  2. -ng - Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito sa unang salita. Halimbawa: mabuting nilalang
  3. -g -Ito ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa n. Ikinakabit ito sa unang salita. Halimbawa: huwarang mamamayan

Sa balarila, ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.

Sa balarilang Filipino, ang pangatnig ay maaring magbukod (katulad ng "o," "ni", "habang" at "maging"), manalungat (katulad ng "ngunit," "habang" at "bagamat"), maglinaw (katulad ng "kaya," "kung" at "gayon"), manubali (katulad ng "kapag" at "sana"), magbigay halintulad (katulad ng "kung saan" at "gayon din"), magbigay sanhi (katulad ng "sapagkat" at "dahil") at magbigay ng pagtatapos (katulad ng "sa wakas" at "upang").

hope it helps!