👤

magtala ng sampung salita at alamin ang kanyang pinagmulan o etimolohiya.(gawin ang gabay ang halimbawa sa pagtutukoy sa pinagmulan ng salita (etimolohiya) ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng salita at kung paano nag-iba ang kanilang anyo at kahulugan nito sa paglipas ng panahon​

Sagot :

Answer:

Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan:

Mga Sagot:

bahay – tirahan, proteksyon, pag – aari, pangarap

kuwento – panitikan, mga pangyayari, buhay, aklat

mata – pandama, tanaw, salamin, paningin

Paliwanag:

Bahay:

Ang salitang bahay ay maaaring tumutukoy sa tirahan. Ito ay isang istruktura na maaaring gawa sa bato at semento, kahoy, bakal, at iba pang materyales.

Ang salitang bahay din ay maaaring mangahulugan ng proteksyon sapagkat ang mga bahay ang literal na pumoprotekta sa mga tao laban sa init ng sikat ng araw at tubig mula sa buhos ng ulan.

Ang salitang bahay din ay isang uri ng asset o pag – aari. Lahat ng tao ay nangangarap na magkaroon ng sariling bahay at kung walang sapat na kita ay mahirap magkaroon ng ganitong ari – arian.

Ang salitang bahay din ay maaaring tumukoy sa mga pangarap sapagkat ang pamilya na kasama natin sa loob ng bahay ang siya nating inspirasyon at pinakamalaking konsiderasyon sa pag – abot n gating mga pangarap.

Kwento:

Ang salitang kwento ay maaaring tumukoy sa isang uri ng panitikan na isinulat upang magbigay – aral sa lahat ng mambabasa.

Ang salitang kwento rin ay tumutukoy sa mga pangyayari sapagkat ang lahat ng kwento ay naglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng bida sa kwento.

Ang salitang kwento rin ay maaaring tumutukoy sa buhay ng manunulat o ng taong malapit sa manunulat.

Ang salitang kwento ay maaari ring tumukoy sa isang aklat na maaaring basahin ng paulit – ulit. Sapagkat maraming kwento ang hindi nakakasawang basahin at pakinggan ng paulit – ulit.

Mata:

Ang salitang mata ay tumutukoy sa isang uri ng pandama.

Ang mata rin ay maaaring tumukoy sa tanaw o sa mga bagay na nakikita.

Ang salitang mata rin ay maaaring tumutukoy sa salamin. Sinasabi na sa mga mata ng mga tao masasalamain ang kanyang kalooban at pagkatao.

Ang mata rin ay tumutukoy sa mga paningin. Kung wala ang mata, mahirap para sa isang tao na makita ang ganda ng kanyang paligid.