👤

Ipaliwanag ang mga pagbabagong naganap sa Pilipinas dulot ng edsa people power revolution 1​

Ipaliwanag Ang Mga Pagbabagong Naganap Sa Pilipinas Dulot Ng Edsa People Power Revolution 1 class=

Sagot :

Answer:

PAMAHALAAN

•Nagkaroon ng demokrasya ang ating bansa, mula ng mapatalsik ang diktaduryang pamamahala ni Ferdinand Marcos Sr. Nabago ang Saligang Batas at nagkaroon ng pagbabago sa ating konstitusyon, isa na dito ang paglilimita sa termino ng mga opisyal ng gobyerno at pagbabawal sa presidente ng bansa na tumakbo sa parehong posisyon.

KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG

•Muling nabuhay ang kalayaan sa pamamahayag, naibalik sa mga tunay na nagmamay-ari ang mga istasyon sa telebisyon at radyo. Napalaya ang mga mamamahayag na ikinulong dahil sa pagbabalita laban sa administrasyon ni Marcos. Isa sa mga halimbawa nito ay ang pinakamalaking istasyon sa bansa, ang ABS-CBN.

KARAPATANG PANTAO

•Matapos magkaroon ng malawakang paglabag sa karapatang pantao ang Martial Law kung saan libo-libo ang pinatay at kinulong ng walang paglilitis, napatalsik si Marcos sa Malacañang sa pamamagitan ng paghihimagsik. Nagkaroon ng isang Constitutional Commission ang ating Saligang Batas at ito ay ang Commission on Human Rights na nagpoprotekta sa ating karapatang pantao.

Explanation:

Kung loyalista ka, sorry gawa ka na lang ng sarili mong answer. Alam ko dika maniniwala dito.