Sagot :
Answer:
Ang simuno ay tumutukoy sa paksa ng pangungusap. Ito ang pinag-uusapan o ang gumagawa ng aksyon. Ito ay maaaring ngalan ng tao, hayop, lugar, pangyayari at iba pa. Ang simuno ay maaaring magsimula sa malaking titik o maaari rin namang hindi. Ang ilang halimbawa ng simuno ay ang sumusunod:
pusa
Elena
ulan
Maynila
Pasko
Gamitin natin ang mga ito sa pangungusap.
Ang pusa ay tumalon sa bubong.
Si Elena ang pinakamagaling sa aming klase.
Ang ulan ay nagdulot ng baha.
Ang Maynila ang kabisera ng Pilipinas.
Ang Pasko ang pinakahihintay na araw ng mga bata.
Ano ang panaguri?
Ang panaguri naman ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng detalye tungkol sa simuno. Nagsasabi ito ng nangyayari tungkol sa simuno. Ito ay maaaring higit pa sa isang salita. Ang ilang halimbawa ng panaguri ay ang sumusunod:
nagbibigay ng regalo
maliligo
ay isang mang-aawit
naghuhugas ng pinggan
nagtatanim
Gamitin natin ang mga ito sa pangungusap.
Si Santa Claus ay nagbibigay ng regalo.
Maliligo ang mga bata.
Ang aking kaibigan ay isang mang-aawit.
Si Miya ay naghuhugas ng pinggan.
Nagtatanim si Lolo.
Answer:
Simuno at Panaguri
Ang simuno at panaguri ay ang dalawang bahagi ng pangungusap. Ang isang lipon nga mga salita ay hindi makakapagsaad ng isang buong diwa kung wala ang isa sa mga ito. Sa Ingles ang simuno ay tinatawag na subject at ang panaguri naman ay tinatawag na predicate. Alamin ang kahulugan ng mga ito sa ibaba.
Ano ang simuno?

Explanation: