Sagot :
Ang colonial mentality ay ang pagtangkilik ng kultura o produkto ng ibang bansa. Ang halimbawa na nagpapakita ng colonial mentality sa mga Pilipino ay ang pagbili ng mga "imported" na mga produkto. Ito ay dahil imbes na produkto ng Pilipinas ang bilhin, produkto ng ibang bansa ang binibili. Kaugnay nito, ang karagdagang detalye tungkol sa halimbawa na nagpapakita ng colonial mentality sa mga Pilipino ay nasa ibaba.
- Ang halimbawa ng pagpapakita ng colonial mentality sa Pilipinas ay ang pagtangkilik ng mga produkto mula sa ibang bansa ("imported products").
- Ito ay kung saan mas pinipili ng mga Pilipino ang mga sapatos ng Nike o Adidas kaysa sapatos mula sa Marikina.
- Ito rin ay kung saan pinipili nila ang sushi o sashimi kaysa ang kakanin o suman ng Pilipinas.
- Marami ring mga Pilipino ang mas pinipiling bumili ng Lays, Pringles, Cheetos at Doritos kaysa ang Cheezy ng Leslie's, Piattos, Nova at Chippy ng Jack 'n Jill.
- Ang isa pang halimbawa ay ang pagsubaybay ng Koreanovela series ng mga Pilipino kaysa pagtangkilik ng Probinsyano o Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.
Ano ang dahilan ng colonial mentality? Ang isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng colonial mentality ay maaaring mula sa impluwensiya ng ating mga mananakop noon, kagaya na lamang ng pananakop ng mga Kastila, Amerikano at mga Hapon.
Nawa'y tayong mga Pilipino ay umiwas sa kaugaliang colonial mentality hangga't maaari, at tangkilikin natin ang sariling atin - gawa ng Pilipino at gawa sa Pilipinas.
Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa tungkol sa kaugaliang colonial mentality.
What is the meaning of colonial mentality: brainly.ph/question/1045838
Ang kahalagahan ng colonial mentality: brainly.ph/question/1109814
Ano ang colonial mentality: brainly.ph/question/1085292