Ipapasa ko na po ito mamaya kaya sana po tama. Kung tama po ay i-heart ko po yung lahat na answer niyo.
1) Ano ang implikasyon ng maagang pag-aasawa at pagbubuntis ng mga babae noon? A. Nagiging malusog ang kanilang pangangatawan. B. Nalalagay sa panganib ang kanilang buhay. C. Nagiging malapit sila sa kanilang mga anak. D. Nagiging kalugod-lugod sila sa kanilang mga asawa.
2) Ano ang implikasyon ng pakikipagsundo ng mga magulang sa magiging asawa ng kanilang anak na babae? A. Natutuhan din nilang mahalin ang asawa pagkatapos ng mahabang panahon. B. Malimit na tama ang desisyon ng mga magulang. C. Nagiging magkaibigan ang mag-asawang pinagkasundo ng mga magulang. D. Hindi nabibigyan ng kalayaan ang babae na makapamili ng lalaking gusto niyang mapangasawa.
3) Ano ang implikasyon ng mas malubhang parusa sa babaeng nahuling nagtataksil kaysa sa lalaking nangangalunya? A. Hindi pantay ang pagturing sa nagkakasalang nilalang B. Nararapat lamang na mas mabigat ang parusa sa babae. C. Natural lang sa mga lalaki ang magtaksil sa asawa. D. Mahirap mahuli ang pagtataksil ng babae.