👤

DO V. Mga Gawain Gawain 1. Pasulat na Gawain A.1 Panuto: Isulat ang tsek (V) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagiging mabuting mamamayan, magandang kaugalian at tradisyon, ekis (X) naman kung hindi. 1. Buong giliw na pinakitunguhan ni Mabel ang bisita ng kanyang ate. Binigyan niya ito ng tinapay at juice habang naghihintay. 2. Binalewala ni Jonas ang payo ng mga magulang. Lagi itong gabi na kung umuwi at madalas sinisigawan pa ang kanyang Nanay. Oruc 3. Hindi pinapansin ni Adel ang mga sapatos na yari sa Marikina. Ipinilit niya sa kaniyang Nanay na ibili siya ng mga imported na sapatos. 4. Nasalanta ng bagyong Odette ang kamag-anak nila Mang Tonyo. Napagpasyahan nilang tumulong at mag-abot ng kaunting donasyon. 5. Biglang dumilim ang langit hudyat na nagbabadya na ang malakas na ulan. Kaya naman, nagmadali sa paghahakot ng mga binilad na palay si Mang Ben na dali-dali namang tinulungan ng mga kapitbahay.​