👤

Tayain Natin:
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang pangungusap.Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Hindi na matiis ni Jun ang sobrang sakit ng kaniyang ngipin. Kumuha siya ng gamot mula sa
kanilang medicine cabinet. Ininom niya ang gamot na katulad ng ibinigay ng tatay niya minsang
sumakit ang kaniyang ngipin. Ano ang HINDI tamang gawi sa pag-inom ng gamot?
A. Paggamot sa sarili B. Pagiging matipid sa gamot
D. Pag-inom ng gamot na may reseta
2. Alin ang tumutukoy sa masamang dulot ng pag-abuso, hindi paggamit ng gamot sa wastong
paraan na nakaaapekto sa normal na pag-iisip?
A. Malungkutin B. Dependency
C. Pagkalulong D. Masayahin
3. Alin ang HINDI tamang hakbang sa pag-inom ng gamot?
A. Bumili ng gamot sa pinagkakatiwalaang botika.
B. Ilagay ang gamot sa lalagyan pagkatapos gamitin.
C. Inumin ang gamot kahit walang preskripsiyon ng doktor.
D. Gamitin ang gamot na may gabay ang nakababatang kapatid.
4.Sino ang maaaring gumabay sa bata sa pag-inom ng gamot?
A. Kaklase at guro B. Magulang at nars
C. Tindera at kapatid D. Magulang at parmasya
5. Si Marta ay uminom ng gamot ngunit hindi niya sinunod ang payo ng doktor at sobra-sobra ang
pag-inom niya nito. Nararamdaman niyang lumalabo ang kaniyang paningin. Ano nagiging
epekto ng sobrang pag-inom ng gamot?
A. Pagkabingi B. Pagkabulag
C. Pagkahilo D. Pagkalumpo