Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay ng angkop na pagpapakahulugan sa salitang may salungguhit batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sadyang kaygaganda ng pulang rosas na paboritong ibigay sa babaeng sinisinta tuwing araw ng mga puso.
a. uri ng bulaklak na kulay pula
b. sumisimbolo ng pag-ibig
2. Mapait na karanasan ang sinapit ng ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
a. isang uri ng panlasa
b. kabiguan at paghihirap na dinanas sa buhay
3. Ubod ng hangin ang taong nakausap ko kanina.
a. mayroong mayabang na pag-uugali
b. nararamdamang dumarampi sa balat ngunit hindi nakikita.
4. Napakaganda ng panahon kapag kulay bughaw ang langit.
a. bahagi ng mundo na natatakpan ng ulap
b. pakiramdam ng taong walang problema
5. Tadtad ng barya ang binti ng dalaga.
a. uri ng pera na yari sa tanso
b. markang naiiwan sa balat matapos maghilom ng sugat.