2. Ipaliwanag ang talatang ito: Hindi ko naman sila masisi. Ibon mang may layang lumipad, kapag matagal-tagal nang nakakalanghap ng makamandag na hangin dito sa ating bayang magiliw, ay makakaisip na talagang mag-alsa-balutan at mag-TNT. At hindi sila nag-iisa, o nag-iisandaan, o nag-iisang milyon. Ayon sa pinakahuling survey ng Weather-Weather Station, 69 porsiyento ng ating mga kabataan--at siyento-porsiyento ng mga sidewalk vend at ng mga presong nahatulan ng kamatayan-ay ayaw nang maging Pilipino. Mas gusto nilang maging Men in Black. O kaya'y X-Men. O kahit na Hobbit.
3. Ipaliwanag ang talatang ito: Kahit superbilyonaryo ka at marami kang security, tulad ni Kongresista Imee Marcos, puwede ka pa ring mabiktima ng akyat-bahay. At kahit superpobre ka at walang mananakaw sa bahay mo, tulad ng mga taga- Payatas, puwede namang mabagsakan ng bundok ng basura ang barungbarong mo. Sa madaling salita, kung narito ka sa Pilipinas, para kang laging nakakapanood ng palabas sa circus. Marami kang makikitang naglalakad sa alambreng tinik, at kabilang sa makikita mo ay ang iyong sarili. alvan