Unang Bahagi Modyul 3: Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Panuto. Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto at Mali kung ang pahayag ay hindi wasto. 1. Ang konseptong papel ay nagsisilbi ring proposal ng sulating papel. 2. Maaaring ang resulta o kalalabasan ng sulatin ay maiiba sa nakasaad sa konseptong papel. 3. lisang metodo lamang ang pagkalap ng impormasyon ang maaaring gamitin para sa konseptong papel. as 4. May iba't ibang paraan sa pagsusuri o pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa makakalap na datos. 5. Ang bahagi ng konseptong papel kung saan mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik batay sa paksa ay ang layunin. 6. Ang pansamantalang balangkas ay isang istriktong gabay na dapat sundin sa pagbuo ng konspetong papel hanggang sa ito ay matapos. 7. Sa pamamagitan ng impormasyong taglay ng konseptong papel ay maaari nang magbigay ng paunang feedback, mungkahi, o suhestyon ang guro. 8. Ang bahagi ng konseptong papel na nagsasabi tungkol sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa ay tinatawag na metodolohiya. 9. Ang rationale na bahagi ng konseptong papel ay naglalaman ng kalalabasan ng pag- aaral batay sa pangangalap na ginawa ng mananaliksik tungkol sa paksang kanyang tatalakayin. 10. Maaari pang magkaroon ng mga pagbabago sa binubuong konseptong papel na hindi nakasaad sa pansamantalang balangkas kapag may matuklasang bagong impormasyon o datos mula sa pangangalap.