Panuto: Sunin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na kasagutan at pagpapaliwanag ukol dito. (5 puntos. bawat bilang)
1. Anong mga suliranin ang kinakaharap ng mga tauhan sa akda?
A. Ang kalupitan o pang-aapi ng mga nasa kapangyarihan.
B. Ang mabibigat at mahihirap na gawain sa bukid.
C. Ang pagbabagong anyo ng mga tauhan.
Batay sa iyong napiling sagot, paano nakaapekto sa kanila ang suliraning ito?
2. Paano masasalamin ang kilos o pag-uugali ng pangunahing tauhan sa akda tungo sa suliraning kinaharap niya at ng iba pang tauhan?
A. Mapagmatiisin sa kabila ng mga dinaranas na kalupitan mula sa mga tagapagbantay.
B. Hindi pinapansin ang mga masasakit na pangyayari sa kanyang kapaligiran.
C. Naging matapang sa pagharap sa mga hamon sa buhay sa tamang panahon.
Ano resulta ng naging kilos gawi ng pangunahing tauhan? o ang
3. Ano ang naging desisyon ng tauhan nang makitang nasa bingit na ng alanganin ang kanyang kasamahan?
A. Nanikluhod para kaawaan at mabigyan ng pagkakataong mabuhay.
B. Ipinakita ang tunay na anyo upang maiwasan ang pagdating ng kamatayan.
C. Ipinagpatuloy nila ang ginagawa sa kabila ng kalupitan sa mga mahihinang mamamayan.
Ano ang kinahantungan ng mga tauhan sa kanilang naging pasya? Pangatwiranan.
4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayan sa pagbulgar ng tunay na anyo ng ating mga tauhan?
A. Nakamit ang matagal nang inaasam na tunay na kalayaan.
B. Naging magaan na ang kanilang gawain at wala ng mga pagmamalupit.
C. Nagkahiwalay ang pamilya at nasira ang kanilang kabuhayan.
Ano ang nadama nila sanhi ng pangyayaring ito sa kanilang buhay?