👤

Ano ang bahaging ginampanan ng Kristiyanismo sa kultura ng mga pilipino?​

Sagot :

Answer:

Malaki ang impluwensya ng Kristiyanismo lalung-lalo na ang simbahang Katoliko Romano sa kasulukuyang kultura ng Pilipinas. Makikita ito sa ating mga pang araw-araw na kilos at gawi. Maging ang ating mga paniniwala ay lubos na naapektuhan ng simbahan.

1. Pagdiriwang ng Pista (Patronal Town or Barangay Fiesta)

- Ang pagdaraos ng mga kapistahan ay isang tradisyon na may malalim na impluwensyang kristiyano. Nang dumating ang mga kastila dala ang relihiyong kristiyano, malugod natin itong tinanggap. Kaalinsabay ng paglaganap ng kristiyanismo ay ang pagtatalaga ng isang santong patron para sa isang bayan o pamayanan. Para sa mga patron ay nagtalaga tayo ng isang araw ng pasasalamat at ito ay kilala bilang araw ng pista.

Isa sa pinaka kilalang kapistahan ay ang kapistahan ng San. Isidro Labrador ang Patron ng mga magsasaka. Ang kapistahan ay karaniwang nagaganap sa mga araw ng mayo sa ibat-ibang bayan sa mga lalawigan ng Pilipinas.

2. Ang Flores de Mayo

- Ang Flores De Mayo ay isang pistang alay sa Birheng Mariya na ginaganap mga araw sa buwan ng Mayo. Sa buong panahon ng Mayo isinasagawa ang mga debosyonal sa Kabana-banalang Birheng Maria gaya ng pag-usal ng Santo Rosario o Novena at iba pang pananalangin. Nagkakaroon din ng parada ng mga Reyna sa isang pag-ganap na tinatawag na Santacruzan.

3. Pagdaraos ng Semana Santa

- Kung meron mang mas mahalagang pagdidriwang na mai-uugnay sa Kristiyanismo, ito ay ang pagadaraos ng Mahal na Araw o Semana Santa. Isang panahon partikular sa mga araw ng Abril. Sa mga araw na yaon inaalala ang naging paghihirap ng Banal na Kristo sa Krus. Sa makatuwid ito ay ang pagbabalik tanaw sa ginawang pagtubos ni Kristo Hesus sa kasalanan ng sanlibutan. Sa panahon ng Semana Santa isinasagawa ang "Pabasa" o ang pagbasa sa Pasyon ng Mahal Na Hesus. Marami rin sa mga Pilipino ang nagpepenitensiya bilang abolusyon at pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.